Thursday, January 29, 2009 at 11:46 PM
Pagbabalik.
Tangena.
(o ayan Daine ah. Unang word ko talaga.)
Andaming nangyari. Hindi ko alam kung pinagtritripan ba ko ng tinatawag niyong Diyos o ano. Basta. Madaming nangyari. Ang alam ko lang, narealize ko na di ko man lang nalabas ang mga bagay na dapat kong ilabas, mga emosyong pinipilit na magwala sa labas ng katawan ko. O ano man ang tawag sa putek na yun.
<3
Alam kong lumipas na ang Pasko, New Year at Intrams. Aha. Iisa-isahin ko yun. Du nut wurry.
SO, let's start nung Pasko. Sa pagkakatanda ko, bago magpasko, nag-unli ako for five days. Tapos, unli din si Clev, Dennis, Aaron (ata?), Jeanky (ata?), Alison (ata?) atbpng LAVO. So marami akong katext. Partida. Ang saya.
Tapos, nung Christmas Eve, well, umulan. So, rainy Christmas ang drama ng lola mo. Medyo nakakainis kasi kailangan ko pang mabasa at magpayong sa misa. E ayoko naman talagang pumunta. And besides, gutom na ko that time. Gusto ko na lang magtext like hell. Tapos matulog. Ay, makuha pala yung money ko. XD
So ayun, after two days, pumunta kami sa probinsya para magcelebrate ng New Year.
New Year = alcoholic. And magtatapat ako. Kung dati inaasam kong pumunta sa probinsya ko sa Region 2, well... Di na ngayon. Lahat kasi ng tao dun, emo na. Lahat may lovelife. Lahat may pinag-uusapan na di namin alam kung ano. At the first place, ano bang pakialam ko, di ba? Kaya hell.
So, ayun. I spent most of my time at my cousins. Nung New Year, for three times in a row, natipsy ako. Well. Hell. Nakakhiya. Kasi nandun si Kuya Chuck, yung kapatid niya (sorry. nakalimutan ko na po name mo, Mr. Cute. XD) at mga pinsan ko. XD At si ate. Si ate, nakipagchikahan lang. Ayun. So, ako, bored. San Mig Light lang naman yun ah. XD At maraming chicharon, Pringles at chips. Ahlab new year.
Wala naman masyadong nagpaputok dun. Kasi daw baka maputukan. Echos. Safety regulations my ass. XD So ayun, natulog ako saglit. Tapos pagkagising ko, nandun pa sila Kuya Chuck. Paalis na daw. Awww. :(
So, dumating ang araw na dapat umuuwi na kami pabalik sa Manila, tapos malalaman nalang namin na may BOKSWAGEN na ang kuya ko. Ayos. May panglakwatsa na kami ni ate. Sabi nga namin ni ate eh:
"Kuya, pumayag ka na! Kami naman magbabayad ng pang-gasolina mo eh. Rereklamo ka pa, magdridrive ka nga lang. XD" Ayun. Walang nasabi.
Nung magbibiyahe na kami, nakita kong nakatunganga ang kapatid ko. Si kuya ay nakatunganga at nag-eemo *kanta* for the first time~. Anyway. Bigla akong tumawa. Bigla akong humirit:
"Ui si kuya, ngayon lang pumasok sa utak niya na may car na siyaaa. XD" Bigla siyang nag-evil laugh. Natakot ako, swear. Kaya nga natawa din ako eh. Haha, comedy daw ba. :))
So ayun, umuwi na kami't lahat lahat. Nagcram ako sa mga project, as usual. I mean, hell. What's new. Pero, dun ko narealize na medyo napapabayaan ko na ang studies ko. Which is not good.
...
INTRAAAAMS.Unang pumasok sa utak ko nun: Papasok ba ko o hindi?
Alam kong hindi ako magaling sa sports. At alam kong malaking pagkakamaling hindi ako natuto ng kahit anong sport. Weird, pero di ako atlethic. I'm willing to learn, pero walang nagtuturo. Ayos. Ang saya ng buhay, de ba? That's how the world turns.
So, I settled on dancing. Which is not good. I don't dance.
Pero, nung nalaman kong may space para sa Girls Chess, join na ko. Di ako marunong, pero I dunut care. Basta naglaro. At may participation. Ayoko lang talagang maminosan. XD Naks, GC ang lola mo. Ang galing ng LADES girls! XD VOLLEYBALL.
Si Camelyo yung kasama ko sa Chess. Siya, nagsecond! O ha. Palag ka? Yan ang Camel namin. XD
♥♥♥
Ngayon. Ewan ko. ANo bang meron sa buhay ko ngayon? Gago pa rin ako eh. Wala pa rin namang pinagbago yun eh. Pero...
Aamin ako.
Malungkot ako ngayon. Di ko na sasabihin kung bakit. :)
(hay salamat natapos din.)