A lover
and a hater.
Artistically demanding and color-deprived at the same time,
Red seems to be the only color that exists in her world.
Let's paint the town red,
madamemoiselle.
Also, note: Please be sure to read the
disclaimer before reading my entries. It's important.
Monday, February 2, 2009 at 3:57 AM
Limitasyon.
"Hindi sa immature ako. Ayoko lang talaga lumaki."
♥♥♥
Lahat ng tao ay may limitasyon. Sabi nga nila, lahat ng sobra, masama. Kaya pag nasobrahan ka sa kakatitig sa crush mo, nako. Magkaka-eye cancer ka. Joke. XD
Pero ngayon, narealize ko kung gano kaimportante na malaman mo kung hanggang saan ang limitasyon mo. I mean, di mo alam kung nakakasakit ka na. Di mo alam kung naiinis na ang tao sayo.
Heto. Magsusulat ako ng sulat para sa mga tao, pero nasa codename.
<3<3<3
Ginigiliw kong Mr. Too Much,
Alam kong tunay kang palakaibigan. Syempre, kasi ako'y kaibigan mo. Pero di mo ba naiiisip na sumobra na ata ang iyong pagiging friendly? Hindi ko sinasabing masama na makihalubilo sa iba, pero hindi mo ba naisip na nagkukulang ang oras mo para makasama ang totoong kaibigan mo? Pagsasawaan ka ng mga yan. Sandaling panahon na lang ang nalalabi para sayo.
Hindi ko sinasabing sobrang sama ng ginagawa mo. Ang punto ko lang, matuto kang magdovetailing. Meaning, makipagkaibigan ka kung saan walang magbabago sa pakikipaghalubilo mo sa mga kaibigan mo. Alam kong malulungkot ka magkalipas ng ilang araw. Mabilis na dumadating ang kanilang pag-alis.
Sana maintindihan mo. Sinasabi ko lang ito para sa ikakabuti mo.
Snuggles for you,
Madam Red.
===
Ms. Candle,
Grabe ka. Gusto ko nang hugutin yang mga mata mo para di ka na umirap-irap. Grabe ka tumingin. Nakakatunaw. Alam mo, may limitasyon ang trabaho mo ngayon. Hindi mo kailangang maging bihasa sa ginagawa mo. Kaya ka nga nandito eh, para matuto pa.
Masyado na ata ang pagiging "bihasa" mo sa mga bagay-bagay na iyong tinuturo. Hindi mo nga alam kung nakikinig pa sa iyo ang mga taong tinuturuan mo. Grabe. At please.
"English is supposed to be said in a normal and in an understandable way, not in a way that people would actually tell you to stop talking already."Kung masyadong deep, okay. Ang galing mo. *palakpak*
Ang iyong istudyanteng walang natututnan sayo,
Madam Red.♥♥♥
Lahat tayo ay may limitasyon. Lahat ng bagay ay may hangganan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal, pero hinihiling ko na kung dumating man ang araw na hindi ko na kaya,
"Sana nandun kayo, kasama ko, kadamay ko, hanggang sa ako'y sumaya."