Sunday, November 15, 2009 at 9:56 PM
EEEEEEEEEEEEKKKKKKKK
"
That is why you have to trust me. Everything I did was for you. Because I just couldn't hide my feelings anymore. For so long I suppressed my feelings because I knew it wasn't right to feel love for a guy like you but...No matter how much I tried, I couldn't stop loving you. My heart completely defeated my will. If there was a way to vanish this sickly love, believe me, I would be willing to let it go."
Grabe, pati ba naman mga binabasa kong comics may kabitteran na. LMAO. Tinatamaan ako eh, bullshit. >:( Oh well.
But... Totoo. Kung may paraan na makalimutan ko yung feelings ko para sayo, I bet matagal ko nang inalam yung paraan nayon. Masakit masaktan di ba?
Saturday, November 14, 2009 at 1:40 AM
Help me move on.
Shit happens, mostly to me.
--
TO summarize it up, I've been living a lie for almost... 10 months. Hoping. Waiting. Ends up in waste. Let's not go into details, but I just wanna spill every ounce of emotion I have left. I just wanna think straight and get this over with, be happy and try to live like the normal kids do.
Okay, so where do I start? Eto nalang. Help me move on, please.
Ayokong nagpapaalala kayo ng number bigla. Imbes na tulungan niyo ko, pinapahirapan niyo ko. Seriously. No joke. Hindi naman tamang kayo yung nagsasabing move on, tapos kayo yung nagpapaalala ng mga bagay na di dapat naaalala.
Hindi sa gusto kong makalimot bigla bigla. Impossible yun, dahil hindi ka pwede makalimot ng isang bagay ng basta basta. Kasi kahit kalimutan mo, no use, babalik at babalik yan. What do you expect? Amnesia? Gusto ko lang kalimutan yung feelings ko sa kanya. Yung wasted feelings na di na dapat ibalik kasi what's the use? Pag minahal ko ba ang isang tao, mamahalin niya rin ako? Hindi e. One learns to fall inlove with someone in love with him if one wishes to forget. Or out of pity nalang talaga yung feelings.
Why am I saying this?
I'm trying to refrain from searching for another guy for me to be happy with when deep down, siya pa rin. Gusto ko muna kalimutan yung pagmamahal ko sakanya: Yung little notes na nagsilbing tulay namin last year, yung mga rose petals sa staircase sa bordner, yung blue rose nung October... Mga ganung bagay? Gusto ko kalimutan yung feeling na kinikilig ako, yung nagblublush ako kasi awkward yung feeling. I have never been loved properly. And siguro hindi na talaga muna ako magpapamahal kasi ayoko na rin makasakit.
Alam kong medyo bitter ang tunog ng blogpost na to, pero ano namang magagawa ko? Hindi naman maiiwasan yun sa isang taong umasa.
You see, umasa ako. Umasa ako na magkakabalikan kami. Na sasaya ulit kami katulad nung dati.
Sabi ko nga kay Daine, expected ko nang mangyayari to. Kinutuban ko na to. Kahit na expected sya, aaminin kong sobrang sakit nun.
Ang inaalala ko, yung time and effort na nasayang ko sa pagbigay ng sulat, pagsulat sa notebook tungkol sa kung ano talagang nararamdaman ko, yung oras na paghintay ko para sa kanya. Siguro, ang inisip ko, hindi na talaga sya babalik. Hindi na talaga mangyayari yung mga nais kong mangyari. Siguro, dapat ko nang tigilan yung paghiling ng imposible.
Hindi rin naman tamang isisi ko to sa sarili ko, kahit na feeling ko kasalanan ko tong lahat.
Maraming nagbago, lalo na sya. Ayoko yung bagong sya. Gusto ko yung dating SIYA na minamahal ko hanggang ngayon. Siguro... hindi nawala yung feelings kasi nasa katauhan niya yun. Nawala lang talaga sa paglaon ng panahon, ibang tao na nakakasama niya.
Sana, mabasa niya to para malaman naman niya yung side ko. Sana, matapos na to ng tuluyan. Sana, kasi pagod na pagod na kong umiiyak ng palihim. Sana, kasi pagod na pagod na kong maghintay para sa kanya. Gusto ko naman maghintay sa isang taong minamahal ako. Sana. I hope mangyari lahat ng nanaisin ko ngayon, kasi puro kalechehan na nangyayari sa buhay ko, nakakasawa na.
--
Maraming salamat sa mga taong to:
Meryl, Karen, Zildjian at Katreena dahil sa pagsabi niyo ng totoo. Maraming salamat at hindi niyo na pinatagal pa. Maraming salamat talaga. :)
Dannielle, maraming salamat kasi narinig mo yung side ko. Maraming salamat at online ka nung naisipan kong maglabas ng sama ng loob.
Matatagalan bago ako makakapagmove-on, pero ano ba! Nandito mga kaibigan ko para samahan ako, so siguro naman di na matatagalan yun. :)
At para sa'yo, "Mahal kita, pero ayoko na talaga."
Love,
Samantha ♥
Monday, November 9, 2009 at 4:17 AM
In Commemoration
Hi.
Naaalala niyo ba, a year ago, ginawa ko tong blog na to para... wala lang. Napagtripan ko lang gumawa, maglabas ng saloobin, magliwaliw... Di ko binalak na patagalin tong blog na to, wow. Umabot na ng isang taon. Isang buong taon.
Grabe, di ko maisip na ang tagal na rin pala nun. Naalala ko pa yung mga phrase na...
"*walang sense na quote* Ay shit ang ganda nun iboblog ko yan mamaya!" Tapos, makakalimutan ko iblog. Ayos.
Kung sabagay, matagal na kong nagbablog. Siguro ito lang talaga yung tumatak talaga sakin kasi alam kong may nagbabasa (dati) ewan ko nalang ngayon. Haha, nagdrama daw ba.
Most of the time, yung mga binoblog ko dati, experiences ko for everyday, feelings ko, mga kaengotan ko. Ganun. I suddenly missed blogging like that, kasi yun yung mga times na sobrang enjoy ako tuwing nagbloblog. These days kasi parang...
"Okay, ano nangyari ngayon. Wala. Okay, di ako magboblog. Ay shit, may feeler na gumawa ng blog, shit. AY ANG SHITTY NG BLOGPOST NIYA WALA AKONG MAINTINDIHAN."
Ewan, I don't find blogsites these days amusing at all.
Anyway, enough with the useless chatter.
Gusto kng magpasalamat sa mga taong alam kong nagbabasa nung blog ko nung una: Dannielle, Cleverlyn, Alec, Ron (oo, nagbabasa ka kaya non.) at iba pang LavoDudesandDudettes. Nung kalaunan, ewan ko kung san sila nagsipunta. Oh well, the spirit of Madam-Red@BlogSpot.Com lives on!
And pansinin niyo. Ako lang ata ang blogger na hindi nagrelink. I'M THAT AWESOME.
A link is a sign of individuality. So, kung gusto mo gumawa ng link para sa blog mo, yung alam mong papatak sa tao, yung magsysymbolize ng sarili mo! Tignan mo, pag Madam Red, alam na nila na ako yun.
Pero, haha. The past year has been fun fun fun (No sarcasm intended, this is the truth) and I hope magtagal pa tong blog ko.
Tayo'y magdiwang: MAG-IISANG TAON NA ANG MADAM-RED@BLOGSPOT.COM!Thank you, at tumagal to. Thank you, at binabasa mo to. Mahal kita, kung binasa mo man to. :)
Friday, November 6, 2009 at 10:17 PM
Should I try crying for the last time?
You should know that I've been crying for you, and crying to just let my emotions all out.
Sometimes, I need you to understand: I can't bear with seeing you alone, and want you to be here to be with me for a while, at least.
Heartaches don't really hurt since they numb every emotion you have.I love you.
I love you.
Countdown: 7 days.