Saturday, November 14, 2009 at 1:40 AM
Help me move on.
Shit happens, mostly to me.
--
TO summarize it up, I've been living a lie for almost... 10 months. Hoping. Waiting. Ends up in waste. Let's not go into details, but I just wanna spill every ounce of emotion I have left. I just wanna think straight and get this over with, be happy and try to live like the normal kids do.
Okay, so where do I start? Eto nalang. Help me move on, please.
Ayokong nagpapaalala kayo ng number bigla. Imbes na tulungan niyo ko, pinapahirapan niyo ko. Seriously. No joke. Hindi naman tamang kayo yung nagsasabing move on, tapos kayo yung nagpapaalala ng mga bagay na di dapat naaalala.
Hindi sa gusto kong makalimot bigla bigla. Impossible yun, dahil hindi ka pwede makalimot ng isang bagay ng basta basta. Kasi kahit kalimutan mo, no use, babalik at babalik yan. What do you expect? Amnesia? Gusto ko lang kalimutan yung feelings ko sa kanya. Yung wasted feelings na di na dapat ibalik kasi what's the use? Pag minahal ko ba ang isang tao, mamahalin niya rin ako? Hindi e. One learns to fall inlove with someone in love with him if one wishes to forget. Or out of pity nalang talaga yung feelings.
Why am I saying this?
I'm trying to refrain from searching for another guy for me to be happy with when deep down, siya pa rin. Gusto ko muna kalimutan yung pagmamahal ko sakanya: Yung little notes na nagsilbing tulay namin last year, yung mga rose petals sa staircase sa bordner, yung blue rose nung October... Mga ganung bagay? Gusto ko kalimutan yung feeling na kinikilig ako, yung nagblublush ako kasi awkward yung feeling. I have never been loved properly. And siguro hindi na talaga muna ako magpapamahal kasi ayoko na rin makasakit.
Alam kong medyo bitter ang tunog ng blogpost na to, pero ano namang magagawa ko? Hindi naman maiiwasan yun sa isang taong umasa.
You see, umasa ako. Umasa ako na magkakabalikan kami. Na sasaya ulit kami katulad nung dati.
Sabi ko nga kay Daine, expected ko nang mangyayari to. Kinutuban ko na to. Kahit na expected sya, aaminin kong sobrang sakit nun.
Ang inaalala ko, yung time and effort na nasayang ko sa pagbigay ng sulat, pagsulat sa notebook tungkol sa kung ano talagang nararamdaman ko, yung oras na paghintay ko para sa kanya. Siguro, ang inisip ko, hindi na talaga sya babalik. Hindi na talaga mangyayari yung mga nais kong mangyari. Siguro, dapat ko nang tigilan yung paghiling ng imposible.
Hindi rin naman tamang isisi ko to sa sarili ko, kahit na feeling ko kasalanan ko tong lahat.
Maraming nagbago, lalo na sya. Ayoko yung bagong sya. Gusto ko yung dating SIYA na minamahal ko hanggang ngayon. Siguro... hindi nawala yung feelings kasi nasa katauhan niya yun. Nawala lang talaga sa paglaon ng panahon, ibang tao na nakakasama niya.
Sana, mabasa niya to para malaman naman niya yung side ko. Sana, matapos na to ng tuluyan. Sana, kasi pagod na pagod na kong umiiyak ng palihim. Sana, kasi pagod na pagod na kong maghintay para sa kanya. Gusto ko naman maghintay sa isang taong minamahal ako. Sana. I hope mangyari lahat ng nanaisin ko ngayon, kasi puro kalechehan na nangyayari sa buhay ko, nakakasawa na.
--
Maraming salamat sa mga taong to:
Meryl, Karen, Zildjian at Katreena dahil sa pagsabi niyo ng totoo. Maraming salamat at hindi niyo na pinatagal pa. Maraming salamat talaga. :)
Dannielle, maraming salamat kasi narinig mo yung side ko. Maraming salamat at online ka nung naisipan kong maglabas ng sama ng loob.
Matatagalan bago ako makakapagmove-on, pero ano ba! Nandito mga kaibigan ko para samahan ako, so siguro naman di na matatagalan yun. :)
At para sa'yo, "Mahal kita, pero ayoko na talaga."
Love,
Samantha ♥