A lover
and a hater.
Artistically demanding and color-deprived at the same time,
Red seems to be the only color that exists in her world.
Let's paint the town red,
madamemoiselle.
Also, note: Please be sure to read the
disclaimer before reading my entries. It's important.
Tuesday, February 23, 2010 at 6:56 AM
Hi, haha. Namiss ko to.
Dahil namiss ko magblog, sige, magbloblog na ulit ako. Mga... once a week? Ah ewan.
So, today! February 23! Birthday ni kuya. 20 na si kuya. Ambilis ng oras. Bakit ganun. Parang June lang kahapon a. Pero, sa totoo lang, hmm. Medyo excited na ko matapos ang school year na to. Masyadong magulo ang school year na to. Mahirap ng subjects. Magulong buhay. Lahat na siguro, magulo. Hindi ko na rin kilala sarili ko ngayon. Sobrang tindi ng moodswings. Madalas sinusumpong. Sinusubukan mag-aral, pero wala talaga e.
So, medyo kakatapos lang ng election period ngayon e. Actually may mga nanalo na. Hindi ko lang alam kung sinu-sino. (ANO ba namang malay ko dyan diba.) I won't go to details na. Understandable naman ang elections: Magulo, crab, crab, scandalous. Ewan, hindi ko na alam.
Incoherent na ko. Maaga pa, 11 PM palang. I remember last year, I usually sleep at 12. Ano ba.
Dadating ang panahon, 15 na ko. Dadating ang panahon, magsasawa rin ako sa lungkot na nararamdaman ko. Siguro ito rin ang problema ko e. Hindi ko sinusubukan sumaya man lang kahit onti. Hindi ako naghahanap ng bagay na ikasasaya ko.
Namimiss ko bestfriend ko. Buti nalang magkikita kami sa Saturday. I hope.
Ang year na to na siguro ang pinakaboring na year sa buhay ko. Walang excitement. Walang thrill. Walang saya. Sayang panandalian, oo. Sayang pangmatagalan? Wala. Never na bumalik yun.
...
Medyo harsh to, pero parang gusto kong bumalik sa dati kong school. Hindi dahil sa nastrestress ako sa MaSci. Don't get me wrong, kaya ko pa naman. Kasoooo, parang hindi na kasi ako masaya sa Masci e. Pero syempre, choice pa rin yun ng parents ko. 50-50 kasi ang feelings ko towards Masci. Maraming nagbago. Maraming marami.
Sa totoo lang, gusto ko nang matulog ngayon. Hinihintay ko nalang talaga yung advertisement na matapos magsave. Antagal, infernes.
Til next time nalang a. :) Pagod na ko e.