Monday, January 31, 2011 at 5:41 AM
Minsan
Minsan, may mga pagkakataon na mapapaisip ka kung meron pa bang nakakaintindi sa'yo. Tipong hindi ka na mapasaya ng mga taong inaasahan mong magpapasaya sayo. Ewan. Tapos hindi mo naman masasabi sa kanila kasi ayaw mong mag-iba yung trato sayo.
Super malas ko these days. Nasnatch yung hikaw ko. Pangit yung pinatahi kong damit.
Ano ba naman tong buhay na to. Hindi na nakakaexcite yung prom. Amboring na ng school. Nakakabadtrip na. Problema kasi sa buhay, hindi mo naman masasabi na galit ka, kasi most of the time iisipin ng tao kumukuha ka lang ng atensyon galing sa iba. Tapos ineexpect ng tao na maging masayahin ka. Eh pano ba yan, hindi ako masaya. Patayan nalang?
Hindi ako masaya. Walang makakaintindi sakin. Wag nyo na kong subukang intindihin. Hindi nyo kaya.
Friday, January 28, 2011 at 10:17 AM
Blink in the dark
Ayun, 2 AM na. Di na ko makatulog kasi naman, dumating si Ate and Friends galing duty. Grabe, bigla silang dumating tapos biglang maingay tapos di na ko makatulog tapos ang cute ni Peter the Panda tapos ayun.
Chineck ko kung may Rollercoaster: The Musical na, nagulat ako last week pa inupload. Like, heck. Nakakainis, di ko naman alam. Premiere is 28. TAE. Oh well. So, catchy yung Hey Ferb na kanta, nakakainis. Okay, bakit ako naiinis. Di, joke lang, expression lang yun. :> So ansayaaa, grabe, ang galing. Super deja vu, pero maganda yung mga dinagdag na kanta. Lalo na yung Carpe Diem! Okay, di na ko magspospoil. Hintayin nyo nalang sa Disney Channel. =))
So ayun, 12 kami dinismiss, (hehe) tapos ginawa akong Barbie ni Camille. Pumunta kasi kaming bahay nya tapos kumain ng spaghetti tapos nanood ng yaoi (mild lang po) tapos nagpractice sila magheels tapos naglaro ng taptap. Uhh, yun, tapos real life dress up game. :O
Tapos sobrang tagal ng byahe pabalik ng Masci, ugh. Badtrip like hell. Chumika pa kami ni Alec sa jeep, matagal-tagal din kasi mga 30 minutes kaming nasa Espana. Tama ba naman yun. Nakakastress. Sabi nya punta daw kami sa exhibit ng UST. Gusto ko sana, kaso late na. Psh.
Fractaleeeee.
Wednesday, January 26, 2011 at 5:04 AM
Dissection hellyea
Partner ko si Camel sa dissection, di ba. Grabe. ANTAPANG. Hindi man lang tumili (kasi nga maton nga diba) nung nakawala saglit. Si Sir Divina, ayaw nya ng tumitili. Nanririndi sya. So ayun, chloroform ginamit namin kasi sabi ni Sir matagal daw ang Ethanol. Ayun, so nung una sumisipa sipa pa. Makulit. (Hindi ako may hawak e, ano ba namang malay ko. HAHA.)
Tapos kinulong namin sa canister saglit hanggang makatulog. YEAH. Nakatulog sya, tapos nakapin na yung legs nya. Tapos triny ko iscalpel nung pinapabukas na yung skin, sabi ni Sir magscissors nalang daw. (Ang galing kasi ng mga kapatid ko e. Scalpel scalpel pang nalalaman.) So yung iniscalpel kong part na hindi naman na butas, dumugo ng super slight.
Tapos, napin na yung balat. Muscle naman. Ang hirap simulan sa chest kasi may buto, so sabi nila Claudelle sa baba daw namin simulan. Nung ginupit ko na, sumabit yung anus. So ayun, dugo dugo tapos natuwa kami kasi nalaman naming buhay pa si froggy. :O Tumitibok pa ang puso nyaaa.
Okay tinatamad na ko magkwento. =)) Tae bat kasi nagbrownout diba. :|
Tuesday, January 25, 2011 at 6:44 AM
Stressed = Desserts
Wala akong pinahihiwatig. Gusto ko lang ng cake.
Okay, so ngayong araw na to, parang lahat kami nagkukumahog maghanap ng palaka, dissection kit, blowpipe, etc. Dissection bukas. Wala, hindi ko alam kung anong gagawin. Gosh. Parang nakakakaba kasi babae ako, ano ba namang malay ko kung lumabas ang girly side ko at biglang mandiri sa palaka. Tapos biglang tumalon sa mukha ko. FFFFFFFFFF.
Partner ko si Camel. Siya daw hahawak, ako papatay. (Lord, project po namin to, wag nyo po ako sisihin...)
Oo nga pala, buong hapon ata ako nagconfession kay Gem. Nakaluhod ako sa stage tapos sabay sabi "Forgive me, Lord, for I have sinned, this is my nth confession" na nagsimula sa 6th na umabot sa 12th. Hardcore, walang magawaaaaaaa.
Hinihintay ko yung blog ni Alec. =)) Gagawa daw sya bago e. Antagaaaaal.
Sunday, January 23, 2011 at 2:13 AM
SPAMSPAMSPAM
Okay, I'll admit it. Gusto ko nang magbirthday. Half of me wants to know kung sino mga babati. One fourth, gusto yung pagkain. One fourth, yung regalo (which I highly doubt *sigh*).
Ewan. Tapos feeling ko sobrang adik ko sa Phineas and Ferb.
Kasi chinecheck ko ang schedule ng release ng mga bagong episodes at inaalarm ko sa cellphone ko sa day ng release tapos alam ko kung ilang kanta ang gagawin sa movie at alam kong sa June/July irerelease yung movieng Across the 2nd Dimension at meron akong songs ng sa cellphone ko at may episodes din pala.
Uhm.
Sige na, ako na ang adik.
(Eh kasi kelangan ko maging inspired KUNG HINDI HINDI KO MATATAPOS YUNG FANFIC KO ;___;)
Okay fine.
--
Sa birthday ko, gusto ko ulit yung nangyari last year pero hindi sa mismong birthday ko pero 4 days after. Nasa bahay, laptop tapos may wi-fi, tapos may popcorn na sandamakmak, tapos ganon lang ako buong araw.
Mababaw kaligayahan ko.
O kaya pwede na rin ako sa Timezone with friends. :D O kaya movie. O kaya kain tapos malawakang chika.
HAY NAKO ANTAGAL NG SUMMER :O Pero what's to expect sa summer, eh magrereview din naman ako, so mag-aaral pa rin. Whooo, good luckkk.
Friday, January 21, 2011 at 9:27 PM
Bored.
Kahapon, sobrang walang magawa kasi wala akong makausap. Lahat sila nasa school.
Ngayon, anong oras lang nagka-internet. Kanina pa ko naghihintay. Kasi diba sa modem, may tatlong ilaw. Yung yellow, orange tapos isa pang yellow.
Yung isang yellow, power.
Yung orange, ethernet.
Yung isang yellow, DSL.
Kasi ganito ang nangyari. (Okay fine hindi ko na hahabaan.) Sabihin nalang natin na nung dapat mag-iinternet na ko, nagbiblink yung DSL. (Pero ang dapat kasi, nagbiblink yung ethernet, hindi yung DSL. Dapat yung dalawang yellow, nakasteady.)
So ayun badtrip.
--
Sci Camp kagabi. Di ako sumama. Duh.
So katext ko si Alec (na natulugan ko kasi humiga ako sa kama. Sandal ang ulo, tulog agad.) tapos nung dapat magrarappeling sya, sinasabi nya na wala daw masipaan tapos may mga bumaliktad tapos buwis buhay daw. Syempre sabi ko sa kanya wag na sya magrappeling kasi kung magkwento sya parang unsafe. (Totoo naman e. Maniwala ka.)
Ayun. Yung nagzipline nalang daw sya.
Okay bakit ko ba to kinukwento. Buhay.
--
Antagal magload ng Fractale. Andami ko pang papanoorin, tae.
Thursday, January 20, 2011 at 9:55 PM
HAHAHA
Ayun, try ko bumalik dito. Wala akong mapuntahan e.
So ilang buwan din akong hindi nagblog. Mga anim? So lumipas ang mga madradramang tagpo, ang kalahati ng 3rd year life, ang mga importanteng mga kaganapan para marealize kung sino ang mga tunay na kaibigan ko.
Friends.
Kaibigan.
Amigo.
Nagkukulang ako sa ganito. Pero siguro maganda na ring nasasala ko sila. Ayoko kasi ng nagtitiwala sa mga taong pwede akong sirain. Natatakot ako sa posibilidad na ako'y masaktan. Lalo na ng mga taong madalas kong kasama at sinasabihan ko ng mga bagay na hindi ko usually sinasabi sa kung sinu-sino lang.
Masakit isipin na anti-social talaga ako. Masakit isipin na wala akong magawa para mabago to. Pero ano bang magagawa ko. Eto na yun e. Eto na ko. Ano pa bang pwede kong gawin? Magpakaplastic para makuha ang atensyon ng iba? Edi nagpakatanga ako dito? Hay buhay.
--
So ano bang nangyayari sa buhay ko ngayon? WALA, HAHA. Tipong tatanungin ako ng mga tao-tao:
"Hoooy, ano na nangyayari sa'yo? Musta naaaa?"
Ang dakilang sagot: "Uh, wala e."
Nakakadisappoint na sagot, kasi antagal kong hindi nakasama ang ibang tao, pero wala akong makwento. Ganun ako kaboring. Kaya kung may mga mambabasa akong hindi ko pa nakikita sa personal (wushu meron nga ba ang feeler ko amp), wag mong isipin na madami akong kwento sa buhay. Pag may lovelife, MERON. Pag wala, EDI WALA. Ganyan talaga ang buhay.
Ayoko namang pagchismisan ang mga artista locally at internationally. Duh, di na uso yun.
HAY WALA NA KONG MASABI.
This boring gal is out, PEACE.
Saturday, January 15, 2011 at 3:44 AM
Ikaapat na Araw
AY GRABE NAKALIMUTAN KO NA TO.
Day 4 - Seven things that cross your mind a lot.
DAY FOUR [4/10]
1. My life. Iniisip ko kung talaga bang nabubuhay ako sa buhay na ito, o parte lang ako ng isang pang buhay at kung mali nga ba ang lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa mundo. Iniisip ko kung meron ba talagang nanonood sa lahat ng ginagawa ko. Kung merong nakaka-appreciate ng mga bagay na alam kong ginagawa ko ng mabuti. Kung merong nakaka-appreciate ng mga sakripisyo ko, gano man kaliit o kalaki.
2. My family. Iniisip ko kung nabubuhay ba ko na ayon sa gusto ng mga magulang ko, kung yung mga feelings ko ba towards my siblings are mutual (which is mostly love. Yes, mostly love.), kung masasabi bang "perfect family" kami. Mga ganun.
3. My friends. Iniisip ko kung kaibigan ba nila ako, o nagbubulagb-bulagan ako kung sino ba ang dapat kong mga kaibigan. Iniisip ko kung masaya ba sila sa mga ginagawa ko sa buhay ko. Kung may sinasabi sila sa likod ko. Kung mahal nila ko. Kung hindi nila ako iiwan kahit na ano mang mangyari. Kung iiyak sila pag namatay ako (most of the time eto yung iniisip ko. Suicidal ako, haha.). Kung kaibigan ko ba ang mga tamang tao. Kung binago ba nila ako. At kung ganoon man, kung sa mabuti man o sa masama.
4. School. Iniisip ko kung tama bang napasok ako sa MaSci, kung worth ba ang pagod at hirap. Iniisip ko kung nagiging mabuting estudyante ako (which is likely hinde) at magiging maayos ba ang lahat pag nakatapos ako ng High School. Kung san ako mapapadpad na eskuwelahan sa susunod. Kung dun ba sa eskuwelahan na yon, titino ako. Kung matutulungan ba ako ng eskuwelahang ito na mabago ang pananaw ko sa school.
5. Stories. Iniisip ko kung anong pwedeng isulat, anong pwedeng magandang idea para sa isang storya. Minsan sa pag-iisip ko, hindi ko namamalayan malayo na pala ang nararating ng jeep ko, at malapit na ko sa bababaan ko. Iniisip ko kung magiging maganda ang ending ng storyang iyon, at kung may gagambala sa isang mabuting pagsasamahan ng mga bidang characters.
6. Pagkain. Iniisip ko kung anong ulam ko pag-uwi ko ng bahay, kung anong pwedeng kainin sa canteen, kung masarap ba ang isang bagay pag hinaluan mo ng isa pang pagkain. Kung meron bang pagkain na allergic ako.
7. My afterlife. Iniisip ko kung mamamatay ako sa sandaling 'to, anong mangyayari. Makikita ko ba si Lord? Or may iba pa kong makikita? Kung may chance ba na pwede kong multuhin ang ibang tao? Kung sa libing ko, makikita ko bang umiiyak ang mga taong hindi ko inaasahang iiyak? Kung may sasabihin ba sila na maiiyak din ako?
Seryosong mga sagot dahil medyo nadedepress. Uh, oo. Yun.