A lover
and a hater.
Artistically demanding and color-deprived at the same time,
Red seems to be the only color that exists in her world.
Let's paint the town red,
madamemoiselle.
Also, note: Please be sure to read the
disclaimer before reading my entries. It's important.
Thursday, January 20, 2011 at 9:55 PM
HAHAHA
Ayun, try ko bumalik dito. Wala akong mapuntahan e.
So ilang buwan din akong hindi nagblog. Mga anim? So lumipas ang mga madradramang tagpo, ang kalahati ng 3rd year life, ang mga importanteng mga kaganapan para marealize kung sino ang mga tunay na kaibigan ko.
Friends.
Kaibigan.
Amigo.
Nagkukulang ako sa ganito. Pero siguro maganda na ring nasasala ko sila. Ayoko kasi ng nagtitiwala sa mga taong pwede akong sirain. Natatakot ako sa posibilidad na ako'y masaktan. Lalo na ng mga taong madalas kong kasama at sinasabihan ko ng mga bagay na hindi ko usually sinasabi sa kung sinu-sino lang.
Masakit isipin na anti-social talaga ako. Masakit isipin na wala akong magawa para mabago to. Pero ano bang magagawa ko. Eto na yun e. Eto na ko. Ano pa bang pwede kong gawin? Magpakaplastic para makuha ang atensyon ng iba? Edi nagpakatanga ako dito? Hay buhay.
--
So ano bang nangyayari sa buhay ko ngayon? WALA, HAHA. Tipong tatanungin ako ng mga tao-tao:
"Hoooy, ano na nangyayari sa'yo? Musta naaaa?"
Ang dakilang sagot: "Uh, wala e."
Nakakadisappoint na sagot, kasi antagal kong hindi nakasama ang ibang tao, pero wala akong makwento. Ganun ako kaboring. Kaya kung may mga mambabasa akong hindi ko pa nakikita sa personal (wushu meron nga ba ang feeler ko amp), wag mong isipin na madami akong kwento sa buhay. Pag may lovelife, MERON. Pag wala, EDI WALA. Ganyan talaga ang buhay.
Ayoko namang pagchismisan ang mga artista locally at internationally. Duh, di na uso yun.
HAY WALA NA KONG MASABI.
This boring gal is out, PEACE.