A lover
and a hater.
Artistically demanding and color-deprived at the same time,
Red seems to be the only color that exists in her world.
Let's paint the town red,
madamemoiselle.
Also, note: Please be sure to read the
disclaimer before reading my entries. It's important.
Saturday, January 15, 2011 at 3:44 AM
Ikaapat na Araw
AY GRABE NAKALIMUTAN KO NA TO.
Day 4 - Seven things that cross your mind a lot.
DAY FOUR [4/10]
1. My life. Iniisip ko kung talaga bang nabubuhay ako sa buhay na ito, o parte lang ako ng isang pang buhay at kung mali nga ba ang lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa mundo. Iniisip ko kung meron ba talagang nanonood sa lahat ng ginagawa ko. Kung merong nakaka-appreciate ng mga bagay na alam kong ginagawa ko ng mabuti. Kung merong nakaka-appreciate ng mga sakripisyo ko, gano man kaliit o kalaki.
2. My family. Iniisip ko kung nabubuhay ba ko na ayon sa gusto ng mga magulang ko, kung yung mga feelings ko ba towards my siblings are mutual (which is mostly love. Yes, mostly love.), kung masasabi bang "perfect family" kami. Mga ganun.
3. My friends. Iniisip ko kung kaibigan ba nila ako, o nagbubulagb-bulagan ako kung sino ba ang dapat kong mga kaibigan. Iniisip ko kung masaya ba sila sa mga ginagawa ko sa buhay ko. Kung may sinasabi sila sa likod ko. Kung mahal nila ko. Kung hindi nila ako iiwan kahit na ano mang mangyari. Kung iiyak sila pag namatay ako (most of the time eto yung iniisip ko. Suicidal ako, haha.). Kung kaibigan ko ba ang mga tamang tao. Kung binago ba nila ako. At kung ganoon man, kung sa mabuti man o sa masama.
4. School. Iniisip ko kung tama bang napasok ako sa MaSci, kung worth ba ang pagod at hirap. Iniisip ko kung nagiging mabuting estudyante ako (which is likely hinde) at magiging maayos ba ang lahat pag nakatapos ako ng High School. Kung san ako mapapadpad na eskuwelahan sa susunod. Kung dun ba sa eskuwelahan na yon, titino ako. Kung matutulungan ba ako ng eskuwelahang ito na mabago ang pananaw ko sa school.
5. Stories. Iniisip ko kung anong pwedeng isulat, anong pwedeng magandang idea para sa isang storya. Minsan sa pag-iisip ko, hindi ko namamalayan malayo na pala ang nararating ng jeep ko, at malapit na ko sa bababaan ko. Iniisip ko kung magiging maganda ang ending ng storyang iyon, at kung may gagambala sa isang mabuting pagsasamahan ng mga bidang characters.
6. Pagkain. Iniisip ko kung anong ulam ko pag-uwi ko ng bahay, kung anong pwedeng kainin sa canteen, kung masarap ba ang isang bagay pag hinaluan mo ng isa pang pagkain. Kung meron bang pagkain na allergic ako.
7. My afterlife. Iniisip ko kung mamamatay ako sa sandaling 'to, anong mangyayari. Makikita ko ba si Lord? Or may iba pa kong makikita? Kung may chance ba na pwede kong multuhin ang ibang tao? Kung sa libing ko, makikita ko bang umiiyak ang mga taong hindi ko inaasahang iiyak? Kung may sasabihin ba sila na maiiyak din ako?
Seryosong mga sagot dahil medyo nadedepress. Uh, oo. Yun.