Friday, April 1, 2011 at 5:52 AM
Napag-iiwanan
You know that awkward moment in your family's car, where you're sitting there talking about nothing under the muse of something, and then suddenly, you feel like they're so far away since they're talking about something you don't know, talk about people you don't even know, talk about topics that you don't and probably won't know for the rest of your life since your goals aren't even close to theirs?
Ma, Pa. Napag-iiwanan na ko nila ate at kuya. Pano na to.
Wednesday, March 2, 2011 at 5:47 AM
Realization. Nanaman.
Dahil alam kong wala namang nagbabasa ng blog ko, hahaha, magrerealization ulit ako. Part two. Or three. Or 86712875728. Kasi andami kong realization sa buhay, di ko naman inaapply. Parang sira lang. Sayang effort na magrealize. Ano daw?
Sa ilang taon kong nabuhay sa mundo, masasabi ko nang tama ang hinala ko: nakakasawa ang mukha ko. HAHAHAHA. Okay, natatawa ako kasi lagi kong iniisip na hinde; na maayos ang itsura ko at okay naman ang pagdadala, na maaliwalas naman kahit papaano, na presentable na para sa iba. Hinde. Hindi totoo yung mga yun. Isang malaking kasinungalingan.
Kinocompare ko yung itsura ko nung prom tsaka yung everyday life. Ampangit ko, haha. Hindi ko dinedegrade ang sarili ko. (Kasi sa totoo lang pag sinabihan akong pangit dinidibdib ko pero pag ako nagsabi sa sarili ko tanggap ko.) Madami kasing maganda sa mundo. Tae. Nakakahiya naman magmaganda kung wala ka namang mukhang ipagmamalaki. Siguro may magdidisagree (which I think is mali din since wala ngang nagbabasa ng blog ko duh) pero sorry, ganun talaga pag pangit, in denial pa sa simula, LOLJK.
Okay, tama na ang usapang kapangitan, baka lalo kayong mabore.
--
Uyyyy, matatapos na ang third year. Yie, fourth year na yan next school year o. Yieeee.
Interpretation:
Ay shet ang bilis ng panahon ano ba naman yan o wehhh wag muna tae enjoy ako sa buhay ko ngayon ay joke lang 7 uwian no thanks sige gora lang tayo sa fourth year.
Wala nanamang magawaaaaaaaaa
at
4:57 AM
ANONG NAPALA KO SA SCHOOL?!
PIMPLES!
EYEBAGS!
Sakit ng ulo.
*sigh* Napuyat ako kakagawa ng report sa ABR. Tapos malalaman ko nalang di ako aabutin! Badtrip.
Oh well. Wag na nating ipagdasal na abutin ako bukas, diba. =))
--
Inaantok na ko, wait. XD
Monday, February 21, 2011 at 11:16 PM
EEEEEE
EEEEEE
EEEEEEEEE
EEEEEE
Saturday, February 12, 2011 at 5:32 AM
PROM

GUESS WHO JUST HAD HER PROM
(Hala sige pagtripan ang salamin huy mabasag mo yan ikaw magbabayad.)
Wednesday, February 9, 2011 at 3:01 AM
HAHA
Ngayon ko lang narealize na madami akong hindi alam tungkol sa mga kaibigan ko.
Ayoko na ituloy to.
Friday, February 4, 2011 at 12:33 AM
Napag-isip isip
Sisihin nyo yung OrCom ng UP Manila kung bakit ako magpopost.
Dahil sa kanila, siguro isasama ko sa choices ko ang Orcom pag nag-UPCAT ako. Natatakot ako sa pwedeng maging future ko. Anong mangyayari pag college na ko? Pano pag grumaduate na ko? San ako hahanap ng trabaho? Wala kasing assurance ngayon. Ano bang malay ko kung anong mangyayari kung pumasa man ako ng UP. Ano bang malay ko kung hindi ako makapasa.
Wala talagang assurance.
So pagkatapos ng seminar, naririnig ko yung mga kaklase ko na pinag-uusapan yung mga itatake nila sa college. Weird ba kung hindi pa rin ako masyado decided? I have no idea kung anong gusto ko. Weird diba. Ayoko kasi siguro mag-expect masyado ang mga tao. Nakakatakot kasi pag inaasahan ka nila. Pano pag hindi ka fit sa standards nila? Ayoko madisappoint sila sakin.
Siguro nga finoforce ko sarili kong gawin ang tama, pero ang problema, hindi ko alam kung ano yung tama.
--
Tapos yung elections pa! Nako, sakit sa ulo. Sa totoo lang, andami kong naririnig na pangalan ng mga tatakbo, pero sa ibang narinig ko, hindi ko makita yung potential nilang pamunuan ang MaSci student body. Siguro nga nagiging judgmental ako, pero ewan.
I hope na maging okay ang last year ko sa Masci. February na, malapit na ko maging Fourth year.
And I hope I make the right choices.